Andun Ka

Andun ka
Hubarin ko man ang maskara

Andun ka…
pa rin?

Suotin ko man ito uli
Upang magkubli
Andun ka.. Bakit ganyan ka?
Hindi ka ba nagpapahinga?
Hindi ka ba nagsasawa?

Sa pagpikit ko sa gabi
Habang ako ay tumatangis
Ang mundo’y nanatiling bingi
Bakit hindi ka pa rin umaalis?

Bakit mo kailangang sabihing babalik ka
Hindi mo naman kailangang mangako pa
Bakit sa twing ako ay magkakamali
Andyan ka pa rin at ako ay inaari?

Hindi ka ba napapagod..
paanong ang salita mo
ay laging humahagod
sa bawat kong saludsod?

Hindi ka ba nalilito,
sa dami ng aking reklamo,
Paanong hindi ka sumusuko?

Mahal mo nga talaga ako..
Dahil kahit sa mga ganitong panahon
Na kahit bawat salitang lumalabas sa bibig ko
Ay hindi umaayon sa nararamdaman ko..

Alam mo yun lahat..
Ni hindi ko na nga kailangang sumulat.
Sa bawat iyak ko,
Sagot mo ay pangako.

Bakit nga ba ako nag-aalala,
Pagmulat ko pa lang, Ama,
Liwanag pa lamang sa aking bintana
Ay sumisigaw nang andyan Ka.

#StoriesForYou #HeLovedMeFirst

Photo credit: The Book of John movie

You may also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *