Kamusta, mahal?

Kamusta, mahal?

Ang tagal na rin mula nung huli kitang sinulatan. Marami na rin akong napuntahan mula nung una kitang kinausap sa tabi ng dagat.

Kamusta, mahal? Ang gulo ng paligid dito. Ang lungkot kahit maraming tao. Ngunit maniwala ka, itinanim ko sa puso ko na hindi ako lilingon.

Bakit nga naman ako lilingon e wala ka naman sa nakaraan ko. Hinahanap kita…pero alam kong hindi tama. Ako ang dapat mong hanapin, hindi ba?

Kamusta, mahal? Kung nasaan ka man dalangin ko’y hindi ka nalulunod sa dami ng taong mananakit sa iyo. Dalangin ko’y kahit wala pa akong mukha sa iyo’y tinatahak mo na ang landas patungo rito.

Kamusta, mahal? Nasasabik na akong makilala ang pagkatao mo. Pero sana ngayon, Sya ang kinikilala mo.

Dalangin ko’y unahin mo Sya sa buhay mo. Maraming tao ngayon ang nag-aakalang nakikita nila Sya sa maraming bagay dito sa mundo.

Hindi mo Sya makikita, mahal, sa kung anu-anong tradisyong sinusunod ng mundo…

Kamusta, mahal?

Isa lang ang pinakahihiling ko sa Iyo…mahalin mo Sya bago ako.

#StoriesForYou

You may also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *